Bumagsak ng mahigit 95% ang bilang ng mga napaslang sa War-on-Drugs sa ilalim ng Marcos administration, kumpara sa madugong kampanya ng nakalipas na Duterte administration.
Sa datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 195 drug suspects ang nasawi sa operasyon simula July 1, 2022 hanggang December 31, 2023.
Mas mababa ito ng 95.08% kumpara sa 3,968 na hinihinalang drug pushers at users na napaslang sa kaparehong panahon sa ilalim ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala ang PDEA na ang paggamit ng hindi marahas na hakbang sa pag-aresto ng drug suspects ang dahilan ng malaking pagbaba sa bilang ng mga nasawi.