dzme1530.ph

Driver ng SUV na bumangga sa NAIA T1, nakalaya na matapos makapagpiyansa ng ₱100K

Loading

Pansamantalang pinalaya mula sa detention facility ang driver ng SUV na bumangga sa bollard at entrance ng departure area sa NAIA Terminal 1 noong May 4, kung saan dalawa ang nasawi.

Base sa nakuhang impormasyon pinalaya ang 47 year old na driver na si Leo Gonzales matapos makapagpiyansa ng ₱100,000 mula sa utos ng Pasay City Regional Trial Court.

Sa nasabing insidente nasawi ang 4 na taong gulang na batang babae na naghatid lamang ng kanyang ama na patungo sanang Europe.

Kabilang rin sa nasawi ang 28 year old na lalaki na papalabas na sana ng bansa, habang may ilan namang nasugatan na nadamay sa vehicular accident.

About The Author