dzme1530.ph

Dredging at reclamation activities sa bansa ng Chinese companies, minomonitor ng gobyerno –NSC, NICA

Loading

Minomonitor ng National Security Council at National Intelligence Coordinating Agency ang mga reclamation at dredging activities sa Manila Bay at iba pang bahagi ng bansa na isinasagawa ng Chinese companies.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni NSC Assistant Dir. Gen. Jonathan Malaya na regular ang pagmomonitor ng gobyerno sa reclamation at dredging activities upang matiyak na mapoprotektahan ang seguridad ng bansa.

Inihayag naman ni NICA Deputy Dir. Gen. Ashley Acedillo na may ginagawang pagsusuri ang intelligence community sa iba’t ibang kumpanya at indibidwal kaugnay sa reclamation at dredging activities.

Ito ay mula pa nang magkaroon ng report na ginagamit ang mga buhangin na kinuha sa coastal ng bansa sa reclamation activities ng China sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Idinagdag pa ng opisyal na mayroon ding isinasagawang audit sa multi dimensional footprint ng China sa bansa.

Hindi lang anya sa umano’y espionage at cyberactivities ang pagbabantay kundi maging sa impluwensya nila sa ekonomiya, pulitika at iba pang sektor.

Tiniyak pa ni Acedillo na aktibo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbabantay sa mga ito.

About The Author