Naihain na sa Comelec-Batangas ang disqualification case laban sa partylist Construction Workers Solidarity (CWS) dahil sa vote buying.
Pinangunahan ni Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan ang pagpa-diskwalipika na nag-ugat sa pamamahagi ng 3-brandnew na sasakyan sa isang event sa Lipa City, Batangas, ang “BARAKOFEST 2025.”
Ayon sa reklamo, ang CWS partylist ang sponsor ng tatlong sasakyan na pa-premyo sa “BARAKOFEST 2025” na may temang ‘Last to take hands off challenge.’
Sinabi ni Ilagan na nangyari ang pa-contest nito lamang Pebrero 15, kung saan limang (5) araw ng nagsisimula ang campaign period sa national candidate.
Para kay Ilagan malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code ang pamamahagi ng sasakyan ng CWS, o klarong vote-buying.
Dagdag pa ni Ilagan, sakop na ng 90-day campaign period ang pag-sponsor ng CWS sa festival kaya isang uri na ito ng vote-buying.