dzme1530.ph

DPWH Sec. Vince Dizon, may appointee na kumakausap sa mga kontratista

Loading

Isiniwalat ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na may appointee si DPWH Secretary Vince Dizon na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga kontratista.

Sa press conference ni Leviste sa Kamara, hindi niya pinangalanan ang umano’y appointee ni Dizon na konektado sa kontratista o, kung hindi man, ay kontratista rin.

Inilalaban ni Leviste na mabigyan ng pantay na bahagi ang bawat distrito sa mga proyekto ng DPWH.

Sa kasagsagan ng media briefing, habang nagtatanong ang isang mamamahayag, tumunog ang cellphone ng kongresista at kanyang sinagot ang tumawag. Sa pakikipag-usap, tiniyak niya na layon nitong mawala na ang korapsyon sa buong bansa.

Ayon sa kongresista, mistulang inaalam ng kausap nito kung sino ang tinutukoy niyang bagong appointees sa DPWH na sangkot o nakikipag-usap sa mga kontratista.

Tinanong din niya kung may nakikipag-ugnayan na sa mga contractor dahil sigurado siya na may opisyal o mga opisyal ng DPWH na nakikipag-usap sa mga kontratista.

Binigyang-diin ni Leviste na ang ilang komunikasyon sa pagitan ng DPWH at mga kontratista ay hindi maiiwasan, ngunit dapat itong malinaw at ayon sa batas.

About The Author