dzme1530.ph

DPWH Sec. Dizon humihiling sa DOJ ng Immigration Lookout Bulletin laban sa mga sangkot sa flood control projects

Loading

Humihiling si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa Department of Justice (DOJ) na agad mag-isyu ng Immigration Lookout Bulletin laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Kabilang sa listahan ang ilang regional director, district engineer, at opisyal ng construction companies, kabilang ang pamilya Discaya.

Ayon sa Bureau of Immigration, handa silang tumalima sa anumang kautusan na ibaba ng DOJ.

Ginawa ni Dizon ang panawagan matapos ihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Rodante Marcoleta na may ilang personalidad na iniimbestigahan kaugnay ng flood control projects ang nasa labas ng bansa.

Ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ay kautusan mula sa DOJ na nag-aatas sa Bureau of Immigration na bantayan ang galaw ng isang taong iniimbestigahan, inireklamo, o may kasong kinahaharap sa bansa.

About The Author