Inanunsyo ni Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan ang plano ng pamahalaan na magtayo ng bagong tulay malapit sa San Juanico Bridge.
Ayon kay Bonoan, ang bagong tulay ay may habang 2.6 kilometers, mas mahaba kumpara sa San Juanico na may sukat na 2.16 kilometers.
Aniya, popondohan ito sa pamamagitan ng Official Development Assistance mula sa Japanese government.
Idinagdag ng Kalihim na isa ito sa magiging flagship projects ng Marcos administration.
Sa ngayon aniya ay isinasailalim sa detailed engineering design ang bagong proyekto.