![]()
Kinumpirma ni Public Works Secretary Vince Dizon na kukuha sila ng malalaki at kilalang mga kontratista upang mapabilis subalit magiging de-kalidad ang rehabilitasyon sa Maharlika Highway.
Sinabi ni Dizon na ititigil na nila ang pagkuha ng maliliit na contractor at sa halip ay ipapasa ang proyekto sa mga kumpanyang may magandang reputasyon tulad ng EEI at Megaworld na may kakayahang tapusin ang malalaking imprastraktura.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makumpleto ang rehabilitasyon sa Maharlika Highway sa loob ng dalawang taon.
Nangako ang DPWH na isasagawa ang mga proyekto ng mas mabilis, mas matibay at pangmatagalan bilang isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon.
