dzme1530.ph

DPWH humingi ng tulong sa DILG, DND para sa validation ng flood control projects

Loading

Humingi ng tulong si DPWH Sec. Vivencio “Vince” Dizon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) para sa on-the-ground validation ng mga flood control projects sa bansa.

Kasama rito ang pwersa ng PNP at AFP na magsisilbing katuwang sa pagberipika ng aktwal na lagay ng mga proyekto, upang matiyak ang integridad at wastong paggamit ng pondo ng bayan.

Ayon kay Dizon, ang hakbang ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang transparency, pananagutan, at tiwala ng publiko sa mga proyektong imprastruktura.

About The Author