![]()
Nanawagan si Sen. Bam Aquino sa Department of Public Works and Highways na magbigay sa Senado ng mas maayos na computation para sa infrastructure projects.
Ito ay sa gitna ng deadlock sa bicameral conference committee bunsod ng hiling ng ahensya na ibalik ang P45 billion na tinapyas sa kanilang pondo.
Tiniyak naman ni Aquino na hindi nila palulusutin ang overpriced budget ng ahensya.
Sinasabi aniya ng DPWH na may 10,000 proyekto na hindi maipapatupad kung hindi ibabalik ang tinapyas na P45 billion, kaya dapat bilangin at ipakita ng ahensya ang mga ito nang tama.
Ipinaliwanag ni Aquino na sa pamamagitan ng hakbang na ito ay matitiyak na ang sasang-ayunang pondo ng Senado ay maayos na nabilang at maiiwasan ang pagkakaroon ng anomalya tulad ng sa mga flood control projects.
Dapat ipakita ng DPWH sa Senado ang aktwal na presyo ng bawat proyekto, at kung masisiyahan ang bicameral conference committee sa presentasyon, saka lamang magdedesisyon kung aaprubahan o hindi ang pondo.
