dzme1530.ph

DPWH engineer na sangkot sa flood control anomalies, arestado ng NBI         

Loading

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na naaresto nito ang district engineer na si Dennis Abagon ng DPWH MIMAROPA, na iniuugnay sa umano’y flood control scam sa Oriental Mindoro.

Dinakip si Abagon sa Quezon City nitong Linggo, Nobyembre 23, matapos ang naunang pagtatangka ng mga operatiba na ipatupad ang warrant sa kaniyang rehistradong tirahan sa Cavite.

Narekober sa kanya ang tatlong cellular phone, mga identification card, power bank, drone, at digital video recorder.

Nahaharap ito sa kasong malversation of public funds kaugnay ng P289.5-million na flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro, na umano’y may mga iregularidad.

Nauna nang inihain ng pamahalaan ang listahan ng mga taong hinihinalang sangkot sa iba’t ibang anomalya sa flood control projects sa buong bansa.

Ituturn over si Abagon sa Sandiganbayan para sa karagdagang proseso.