dzme1530.ph

DPWH engineer, hinikayat na maging state witness para ibulgar ang sistema ng korapsyon sa ahensya

Loading

Hinikayat ang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maging state witness sa gitna ng pagsisiyasat sa mga anomalya kaugnay ng flood control projects sa bansa.

Ang paghikayat ay ginawa ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste, pagkatapos nitong sampahan ng kaso si Engineer Abelardo Calalo na nagtangkang suhulan siya ng ₱3.1 milyon para pigilan ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa lalawigan.

Sinabi ni Leviste na maaaring sa ngayon ay overwhelmed o nalulula pa ang district engineer sa dami ng nangyayari.

Idinagdag ng kongresista na ipinagdarasal niya si Calalo, na habang hindi pa nagsasalita ng mga nalalaman nito ay mapag-isipan nito ang magiging serbisyo nito sa publiko.

About The Author