dzme1530.ph

DPWH chief, nakipagpulong sa bago at dating ICI advisers para mapabilis ang imbestigasyon sa flood control scandal

Loading

Nakipagpulong si Public Works Secretary Vince Dizon kina dating PNP chief at bagong Independent Commission for Infrastructure (ICI) adviser Rodolfo Azurin at dating adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Dizon, pinag-usapan nilang tatlo ang mga hakbang upang mapabilis ang isinasagawang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control project.

Aniya, kailangan nilang magmadali dahil galit at naiinip na ang taumbayan, at nais nilang makasuhan at managot ang mga nagkasala.

Sinabi ni Dizon na panghahawakan niya ang salita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang sasantuhin o sisinuhin sa kanilang ginagawang pagsisiyasat.

Idinagdag ng kalihim na gaya ng sa kanila ni Magalong, ay inaasahan niyang paghuhusayin din ni Azurin ang kanilang trabaho sa abot ng kanilang makakaya.

About The Author