![]()
Kumpiyansa si Public Works Secretary Vince Dizon na mabilis na maihahain ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa mga nasa likod ng umano’y flood control kickback scheme.
Reaksyon ito ni Dizon sa naunang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na overwhelmed ang DOJ at Ombudsman sa dami ng trabahong kailangan para ma-prosecute ang mga sangkot, at mga binubusising transaksyon na posibleng umabot sa 1 trillion pesos.
Ipinahayag ni Dizon na kailangan lamang antabayanan ang mga kasong kanilang isasampa sa susunod na linggo.
Kuntento rin ang kalihim sa performance ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), na nag-imbestiga sa umano’y mga dawit sa flood control scandal.
