![]()
Itinanggi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang alegasyon ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa umano’y insertions para sa flood control projects sa ilalim ng bases conversion and development authority (BCDA).
Tinawag ni dizon na walang basehan at malisyoso ang paratang si leviste hinggil sa umano’y insertions o allocables.
Sa statement, binigyang diin ng DPWH na natugunan na nila ang naturang isyu.
Nakasaad din sa pahayag na naglabas na ng malinaw na statement ang BCDA na dating pinamunuan ni Dizon, na wala silang flood control projects na pinondohan sa pamamagitan ng budget insertions, allocable funds, o anumang discretionary source.
Kinuwestiyon din ng kalihim ang timing ng pagbubulgar ni leviste, sa gitna ng akusasyon ng ilang dpwh officials na sapilitang kinuha ng kongresista ang files ni yumaong undersecretary catalina cabral.
