dzme1530.ph

DPWH chief, isiniwalat na 22% lang ng 2025 DPWH budget ang na-disburse

Loading

Isiniwalat ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na nasa ₱223 bilyon o katumbas ng 22% lamang ng kabuuang budget ng ahensya para sa 2025 ang na-disburse.

Gayunman, sinabi ni Dizon sa pagdinig ng House Appropriations Committee na nakalatag na ang mga reporma para matiyak ang kalidad at tamang implementasyon ng mga proyekto.

Binigyang-diin naman ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe, na siya ring vice chairman ng komite, na noon pang 2017 nagsimula ang problema sa loob ng DPWH.

Welcome din para kay Poe ang mga repormang isinasagawa ngayon ng ahensya.

Samantala, bumaba sa ₱625.78 bilyon ang proposed budget ng DPWH para sa 2026 mula sa ₱881.3 bilyon matapos tapyasan ng mahigit ₱250 bilyon.

Paliwanag ni Dizon, tinanggal nila ang lahat ng locally funded flood control projects kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

About The Author