dzme1530.ph

DPWH chief, dapat mag-leave of absence muna

Loading

Hinimok ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian si DPWH Sec. Manuel Bonoan na mag-leave of absence muna habang nagpapatuloy ang mga pagsisiyasat kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.

Sinabi ni Gatchalian na layon nito na matiyak na unbiased o magiging patas ang isinasagawang pagsisiyasat.

Bilang pagpapakita aniya ng delicadeza na makabubuting magbakasyon muna si Bonoan lalo’t maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na rin ang nag-utos ng imbestigasyon na isinasagawa ng ibang ahensya.

Ang hakbang aniyang ito ng Pangulo ay pagpapakita na hindi na siya nagtitiwala sa DPWH.

Sa isyu naman kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ng ilang mambabatas sa iregularidad, sinabi ni Gatchalian na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at mas maiging hintayin ang resulta nito.

Kumpiyansa rin si Gatchalian na hindi lahat ng mga kongresista at senador ay sangkot sa mga proyekto kaya’t magkakaroon pa rin ng malinaw na resulta ang pagsisiyasat.

About The Author