dzme1530.ph

DPWH binawi ang suspension sa procurement activities para sa mga proyekto

Loading

Binawi na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang suspension sa procurement activities para sa mga proyektong pinondohan ng bansa sa ilalim ng ahensya.

Batay sa memorandum, layon ng pagbawi sa suspensyon na maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng mahahalagang national infrastructure projects.

Naglatag din ang DPWH ng mga hakbang na dapat sundin sa bidding process, kabilang ang live streaming ng bidding activities at geotagging ng project sites.

Matatandaang noong Setyembre 6, ipinatigil ni Dizon ang lahat ng bidding activities para sa locally funded projects sa gitna ng imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects.

About The Author