dzme1530.ph

DPC, kinundena ang pagiging bias ng Task Force on WPS

Nadismaya ang Defense Press Corps (DPC) sa ginawang aksyon ng Task Force on West Philippines Sea matapos maitsyapwera sa resupply mission sa Ayungin Shoal, kamakailan.

Ayon kay Verlin Luiz, Presidente ng DPC Press Corps, hindi makatarungan ang ginawa ng pamunuan ng Task Force on WPS na hindi magsama ng local media bagkus ay foreign media ang isinama ng mga ito sa ginawang resupply mission.

Sinusubaybayan aniya ng mga mamahayag ang sigalot na kinakaharap ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea kaya’t nararapat lang na masaksihan ng mga reporter ang mga nangyari sa naturang misyon.

Aniya, wag sanang ipakita ng pamunuan na mas pabor sila sa foreign media dahil naghahanap ito ng diplomatic audience.

Umaasa ang local media na magiging patas ang pamunuan ng Task Force on WPS at hindi na sana maulit ang pangyayaring ito. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author