Tumanggap ng kabuuang ₱40-M na pabuya mula sa gobyerno ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo, para sa makasaysayang pagkakamit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Sa awarding ceremony sa Malacañang, iniabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tinaguriang Golden Boy of the Philippines ang 20 million pesos na cheke.
Tumanggap din si yulo ng bukod na ₱20 million na cash incentive alinsunod sa Republic Act no. 10699 o ang Expanded National Athletes and Coaches Incentives Act.
Ginawaran din ito ng Presidential Medal of Merit, Amity Card mula sa MTRCB, at travel tax exemption.
Samantala, binigyan din ng Pangulo ng tig-₱2-M ang bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas, at ito ay bukod pa sa tatanggapin nilang tig-₱2-M sa ilalim ng batas.
Mayroon ding tig-iisang milyong piso ang iba pang atletang nabigong mag-uwi ng medalya, habang inutusan ng Pangulo ang PAGCOR na bigyan na rin sila ng bukod na ₱1-M.
Nagbigay din ang Office of the President ng tig-kakalahating milyong piso para sa kanilang coaches.