![]()
𝐃𝐎𝐔𝐁𝐋𝐄-𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐂𝐑𝐄𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐀 𝐎𝐈𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐒, 𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐀𝐌𝐁𝐀 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒
Gaya ng inaasahan, matinding paghihigpit ng sinturon ang titiisin ng mga motorista bunsod ng malakihang taas presyo sa produktong petrolyo, simula bukas.
Ito na ang ika-9 na sunod na linggo na tumaas ang presyo ng gasolina habang ika-11 sa diesel at kerosene, sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Sa datos na inilabas ng Department of Energy (DOE), magpapatupad ang retailers ng 7 pesos hanggang 13 pesos per liter na increase sa gasolina; 17.50 hanggang 24.25 sa diesel; at 32 hanggang 38.50 sa kerosene.
Ang pagsirit ng presyo ng oil products ay matapos isara ang Strait of Hormuz, na isang mahalagang oil export route, na nag-uugnay sa pinakamalalaking Gulf oil producers sa Gulf of Oman at sa Arabian Sea.
