dzme1530.ph

DOUBLE-DIGIT NA INCREASE SA DIESEL, UMARANGKADA NA NAMAN NGAYONG MARTES

Loading

Umarangkada na naman ang double-digit na dagdag sa presyo ng diesel ngayong Martes.

 

Epektibo kaninang alas-sais ng umaga, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

 

Nagdagdag ang Shell ng P19.80 sa kada litro ng diesel, habang P5.90 sa gasolina at P9.10 sa kerosene.

 

Mas mababa ng piso ang presyo sa Petron, kung saan P18.80 per liter ang itinaas sa diesel, habang P4.90 sa gasolina at P8.10 sa kerosene.

 

Mas mura rin ng bahagya sa Seaoil na P17.95 per liter ang increase sa diesel, habang kapareho lang sa Petron ang dagdag-presyo sa gasolina at kerosene.

 

Mamayang alas-diyes ng umaga naman epektibo ang P18 na dagdag ng Petro Gazz sa kada litro ng diesel, habang P5 sa gasolina.

About The Author