Ininspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) ang Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang matiyak na maayos na gumagana ang lahat ng sistema bago ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas.
Pinangunahan ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang inspeksyon at binigyang-diin na ayaw na nitong maulit ang airspace shutdown noong Enero 1, 2023 na nagdulot ng aberya sa libo-libong pasahero sa kasagsagan ng holiday travel period.
Ayon kay Lopez, layunin ng ahensya na mapanatiling nasa “tip-top shape” ang operasyon ng air traffic system mula Undas hanggang sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.