Doble-kayod ang Department of Transportation (DOTr) upang maabot ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging partially operational ang Metro Manila Subway Project bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, nakaplanong matapos nang buo ang subway sa 2032. Gayunman, nais ng ahensya na makapagbukas na ng dalawa o tatlong istasyon sa 2028, simula sa Valenzuela, Quirino, at sana’y umabot hanggang North Avenue.
Ang Metro Manila Subway ay may kabuuang 17 istasyon at isang 30.34-hectare depot kung saan matatagpuan ang Philippine Railway Institute.