Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatanggal ng X-ray machines mula sa MRT-3 stations.
Ito ay upang mabawasan ang paghihintay sa harap ng inaasahang pagdami pa ng gagamit ng rail service, kapag sinimulan na ang rehabilitasyon sa EDSA sa June 13.
Sa Boni Station, inalis na ang x-ray machines at pinalitan ng metal detectors habang may naka-deploy na mga armadong Coast Guard personnel at bomb-sniffing dogs.
Inihayag ng DOTr na kaparehong mga hakbang din ang ipatutupad sa iba pang mga istasyon sa susunod na linggo.