dzme1530.ph

DOTR, PLANONG IBABA ANG PORT FEES AT AVIATION FEES AT MAGPATUPAD NG TOLL DISCOUNTS

Loading

Plano ng Department of Transportation na ibaba ang port fees, aviation charges at magpatupad ng toll discounts sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mabawasan ang operating costs sa transportasyon.

 

Idinagdag ni Lopez na pinag-aaralan na rin nila ang maaaring tanggalin na charges sa shipping companies upang maibaba ang pamasahe bagamat deregulated ang industriyang ito.

 

Kasabay nito, ongoing na aniya ang discussion sa toll operators upang makapagpatupad ng diskwento sa provincial buses at mga trak na nagdadala ng essential goods.

About The Author