dzme1530.ph

DOTr, pinanindigan ang concession agreement sa NAIA

Loading

Nanindigan ang Department of Transportation na aboveboard o legal ang concession agreement na nilagdaan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Public-Private Partnership (PPP) project.

Iginiit ni Transportation Secretary Vince Dizon na properly bidded out ang kasunduan at rekomendado ng Asian Development Bank, kaya paninindigan ito ng gobyerno.

Sa petisyon na inihain sa Supreme Court, humirit ang mga abogado ng temporary restraining order, writ of preliminary injunction, o status quo ante order upang pigilan ang mga respondent na ipatupad ang MIAA Revised Administrative Order no. 1 at ang NAIA PPP Project Concession Agreement.

Hiniling din ng petitioners sa Kataas-taasang Hukuman na ideklara bilang unconstitutional, illegal, at void ang kautusan at kasunduan.

Ang mga abogadong petitioner ay kinabibilangan nina Joel Butuyan, Soledad Derequito-Mawis, Tony La Viña, Roger Rayel, at Jose Mari Benjamin Francisco Tirol.

About The Author