dzme1530.ph

DoTr, pinalagan ang paggamit ng convoy ni Apollo Quiboloy sa EDSA busway

Binatikos ng Department of Transportation (DoTr) ang walang pahintulot na paggamit sa EDSA busway ng convoy ni detained televangelist Apollo Quiboloy.

Ayon sa DoTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), dumaan ang convoy ni Quiboloy sa EDSA Carousel habang patungo sa Senate hearing, kahapon.

Kasama ang mga sasakyan ng media, umalis ang convoy sa Police Custodial Facility sa Camp Crame sa Quezon City at nilabag ang emergency barrier sa Annapolis para makapasok sa busway.

Inaasahang iisyuhan ng Land Transportation Office ng show-cause order ang mga driver ng mga sangkot na sasakyan.

Sinabi ng SAICT na posibleng sampahan ng reklamo ang mga driver ng iligal na paggamit ng busway at reckless driving. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author