Tuluyan nang tinanggal ng Department of Transportation (DOTr) ang tungkuling pang-administratibo at pampinansyal na pagpapasya ng ilang attached agencies.
Sa ilalim ng Department Order no. 2023-007 o ang Delegation and delineation of authorities in the DOTr Central Office and its sectoral project management offices (PMOs), nilimitahan na ang lahat ng administrative, procurement, at disbursement authorities ng attached agencies.
Kasama rin sa limitasyon ang proseso ng pagkuha para sa mga programa; disbursement at pondo sa ilalim ng general appropriations act; at pag-apruba ng iba pang usapin.
Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3), DOTr Regional Offices sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at CARAGA, Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Railways Institute (PRI).
Salamantala paliwanag naman ni DOTr Sec. Jaime Bautista na sinusuri nila ang mga polisiya at mga hakbang para sa mas mabuting pamamahala na hindi makakaantala sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.