dzme1530.ph

DOTr, MIAA nagsumite na ng NAIA solicited PPP Project

Nagsumite na ang Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng kanilang joint proposal para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) solicited Public Private Partnership (PPP) Project sa NEDA Board.

Ang proyekto ay naglalayong pataasin ang kapasidad ng NAIA at tiyakin ang ligtas na operasyon habang pinapabuti ang karanasan ng mga pasahero sa paliparan sa pamamagitan ng mas maikling oras ng paghihintay at pagproseso.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista upang makamit ang mga ito, ang gobyerno ay mangangailangan ng isang private concessionaire na mamumuhunan sa modernong kagamitan sa air traffic control at magrerehabilitate ng mga runway at taxiway, gayundin ang mga pasilidad ng terminal.

Ang private concessionaire ay magkakaroon ng 15 taon upang patakbuhin ang paliparan at mabawi ang puhunan nito – isang panahon na nilalayong tiyakin na may sapat na kapasidad upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa Greater Capital Region.

Ipinakita ng Cebu at Clark na kapag nabigyan ng pagkakataon, ang mga pribadong kumpanya ay maaaring magbigay ng mahusay na serbisyo sa paliparan sa mga Pilipinong manlalakbay at mga dayuhan.

Gayunman, umalma ang ilang opisyal ng paliparan na hindi na kailangan isa-pribado ang NAIA kundi kailangan lamang dito ang may puso at mahusay na tagapamuno. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author