dzme1530.ph

DOTr, LTO, kinalampag ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee

Muling kinalampag ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee, ang Department of Transportation at Land Transportation Office para palawigin ng 12 buwan ang validity ng lahat ng expired at mag-e-expire na driver’s license.

Ito ang laman ng inihain nitong House Resolution 1203, kasunod ng Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng korte na nagpapahinto sa produksyon ng 5.2-M plastic card driver’s license.

Hangad ni Lee na hindi na maabala pa at magdulot ng problema sa mga tsuper ang utos na ito ng korte.

Kasabay nito umapela ang kongresista sa LTO na agad ng resolbahin ang problema sa license card upang hindi na ito maulit pa.

Aniya, 2015 pa ay ganito na ang problema kung saan palaging delay o backlogs sa pag-iisyu ng lisensya.

Dismayado si Lee dahil pinagbabayad ang publiko sa pagkuha at pag-renew ng driver’s license subalit papel lang ang ibinibigay ng gobyerno. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author