![]()
KINUMPIRMA ng Department of Transportation sa Senate Committee on Public Services na overloaded ang MV Trisha Kerstin 3 nang lumubog sa karagatan ng Basilan, noong January 25.
Sa pagdinig ng kumite, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary Manuel Cabochan III na ang allowed capacity ng barko ay 352 na pasahero at 24 hanggang 27 na crew.
Subalit sa datos, 293 na ang survivors, 52 ang namatay at 24 pa ang nawawala kaya’t malinaw na may inconsistencies sa passenger manifest.
Bukod sa taong sakay, oveloaded din ang kagamento at hindi dumaan sa weighing scale dahilan kaya’t naputol ang lashing ng barko na nagdulot sa instability nito.
Sinabi ni Cabochan na grounded na ang mga barko ng Aleson SHipping Lines, Inc.
Sa panig naman ng chairman ng kumite na si Senador Raffy Tulfo, iginiit na hindi siya papayag na administrative cases lamang ang kakaharapin ng mga may-ari ng kumpanya gayundin ng mga nagpabyang tauhan ng Philippine Coast Guard at MARINA.
