![]()
Nagsanib pwersa na ang Department of Transportation, Department of Public Works and Highways at Philippine National Police sa pagsasaayos ng trapiko sa patuloy na pagdagsa ng mga biyahero.
Ayon sa DOTr, aalisin nila ang lahat ng road obstructions sa kahabaan ng Maharlika Highway gayundin sa MacArthur Highway katuwang ang PNP-Highway Patrol Group.
Kabilang sa mga tinukoy na obstruction ang mga sasakyang nakaparada sa sidewalks.
Sa panig ng DPWH, tinitiyak nilang hindi magkakaroon ng one way roads at lahat ng critical segments sa Maharlika Highway ay fully repair na.
Lahat din ng construction works ng DPWH ay pansamantalang itinigil at muling itutuloy sa April 6.
