dzme1530.ph

DOTr, diskwento sa pasahe sa EDSA Bus Carousel, pinag-aaralan

Sa halip na ibalik ang libreng sakay, pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na bigyan ng diskwento sa pasahe ang mga mananakay sa EDSA Bus Carousel.

Inamin ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na mas tinitingnan ng ahensya ang pagbibigay ng subsidiya o diskwento sa mga pasahero, sa harap ng limitadong pondo.

Ayon sa Mega Manila Consortium Corporation, isa sa dalawang grupo na nagpapatakbo sa EDSA Bus Carousel, nabawasan ng 20% ang kanilang mga pasahero simula nang maningil sila ng pasahe noong Enero a-uno.

Aminado si MMCC Internal Affairs Officer Juliet De Jesus na kung pagkukumparahin ang pasahe sa MRT ay mas mahal ang kanilang singil.

Sa ilalim ng 2023 National Budget, nasa P1.2 bilyon ang inilaan para sa Service Contracting Programs, gaya ng EDSA Bus Carousel.

Gayunman, kung ibabalik ng pamahalaan ang libreng sakay ay hindi magiging sapat ang naturang pondo.

About The Author