Lumagda ang Department of Transportation (DOTR) ng tripartite cooperation agreement kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang paigtingin pa ang pag-alis sa mga colorum na sasakyan para maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila.
Ayon sa DOTR, ang tripartite agreement ay nilagdaan nina transportation secretary Jaime Bautista, DILG Secretary Benhur Abalos, at MMDA Chairman Romando Artes.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang joint task force ng DOTR, DILG, at MMDA ng traffic, clearing, at anti-colorum operations sa National Capital Region.
Binigyang diin ni Bautista na ang pag-alis ng Colorum Vehicles sa mga kalsada habang sinusuportahan ang mga lehitimong PUV Drivers at Operators pati na mga commuters, ay magpapagaan sa mabigat na trapiko sa Metro Manila.