dzme1530.ph

DoTr chief, ipinag-utos na paluwagin ang Siargao Airport

Loading

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang ilang pagbabago sa Siargao Airport para guminhawa ang biyahe ng mga pasahero patungo sa isa sa top tourist destinations ng bansa.

Ginawa ni Dizon ang kautusan matapos personal na inspeksyunin ang mahahalagang airport development projects sa Mindanao.

Kabilang sa ipinag-utos ng Kalihim ang modular expansion sa Siargao Airport upang madagdagan ang seating capacity at tugunan ang matinding pagsisiksikan.

Pinatatanggal din ni Dizon ang VIP Lounge na hindi naman aniya kailangan para lumuwag ng kaunti at magamit ng mga pasahero ang espasyo.

Hindi nagustuhan ng DoTr chief ang abala na nararanasan ng mga turista sa airport na mayroong 17 flights kada araw. —ulat mula kay Tony Gildo

About The Author