DOTr chief, humaharap ngayon sa Commission on Appointments

dzme1530.ph

DOTr chief, humaharap ngayon sa Commission on Appointments

Loading

Sumalang na sa confirmation hearing ng Committee on Transportation ng Commission on Appointments si Transportation Sec. Vince Dizon.

Unang naitanong sa kalihim ay ang sinuspindeng EDSA rehabilitation project kung saan sinabi ni Dizon na suspendido lamang at hindi ibinabasura ang proyekto at sa halip ay nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo sila ng bagong plano upang mapabilis ang rehabilitasyon.

Ang nais aniya ng Pangulo, mula sa dalawang taon ay paikliin sa anim na buwan ang rehabilitasyon upang mabawasan ang paghihirap ng mga commuter.

Sa pagkakaalam din ni Dizon, posibleng umabot mula ₱8.7 billion hanggang ₱15 billion ang gastos sa rehabilitasyon na sa ngayon ay advanced stage na ang procurement process.

Naitanong din kay Dizon ang update sa North-South Commuter Rail na magsisimula sa Calamba, Laguna dadaan sa Metro Manila at diretso hanggang Clark.

Ayon kay Dizon, sa ngayon ay tuloy—tuloy ang konstrukyon ng linya mula sa Valenzuela hanggang Malolos, Bulacan na sa tantya nito ay matatapos sa 2027 habang ang linya mula Malolos hanggang Clark, Pampanga ay posibleng maging operational bago matapos ang termino ng Marcos administration.

Aminado naman ang kalihim na malaking hamon ang konstruksyon ng linya mula Valenzuela City hanggang Calamba, Laguna dahil sa isyu ng right of way.

Samantala, nangako rin ang kalihim na binibigyan nila ng prayoridad ang paghahanap ng pagpopondo sa development ng high speed train system mula Maynila hanggang Bicol area o ang tinatawag na modernized Bicol Express na magpapaikli sa biyahe hanggang Bicol sa tatlong oras.

Nangako rin si Dizon na bukod sa pagtatayo ng mass transport system,  isasaayos at gawing istrikto ang sistema sa pagkuha ng driver’s license upang matiyak ang disiplina ng mga tsuper upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

About The Author