dzme1530.ph

DOTr chief, hiningi ang kooperasyon ng mga motorista sa implementasyon ng NCAP

Loading

Umapela si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga motorista na makiisa sa implementasyon ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni Dizon na bagaman maayos ang assessment sa unang linggo ng pagpapatupad ng NCAP, marami pa rin ang nandadaya.

Dahil dito, nanawagan ang Kalihim sa publiko na sumunod sa polisiya habang sinisikap ng pamahalaan na mapabuti ang implementasyon ng NCAP.

Una nang binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na nagtatakip ng mga plaka upang hindi ma-detect sa ilalim ng NCAP at makaiwas sa multa.

About The Author