dzme1530.ph

DOTr chief, bumisita sa burol ng walong biktima ng karambola sa SCTEX

Loading

Bumisita si Transportation Secretary Vince Dizon sa burol ng walong biktima ng malagim na trahedya sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na ikinasawi ng 10 katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa, sa Seventh Day Adventist Church sa Antipolo City.

Sa social media post ng Department of Transportation (DOTr), inihayag ng ahensya na patuloy nilang ipinagluluksa ang kalunos-lunos na pangyayari, kasabay ng pagtiyak na isusulong nila ang hustisya para sa mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa Tarlac City Police Station, negatibo sa paggamit ng illegal drugs ang bus driver na nasangkot sa karambola ng mga sasakyan.

Inihayag naman ni Dizon na simula ngayong araw ay sasailalim ang lahat ng 273 buses ng Solid North sa mahigpit na roadworthiness inspections, at lahat ng driver ay obligadong sumalang sa drug test.

About The Author