dzme1530.ph

DOTr, BINALAANG MAHAHARAP SA PARUSA ANG SINUMANG TAUHANG MASASANGKOT SA PAG-ABUSO SA TUNGKULIN

Loading

Binalaan ng Department of Transportation ang mga screening officers sa mga paliparan na posibleng sila ay humarap sa parusa kung mapapatunayang umaabuso sa kanilang tungkulin.

 

Sa gitna ito ng kautusan ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na magpatupad ng mas mahigpit na monitoring sa Office for Transportation Security.

 

Ito ay matapos magreklamo ang isang Australian passenger na nawalan ng cash sa NAIA Terminal 3.

 

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Lopez ang pagsibak sa pwesto sa dalawang security screening officers at kanilang supervisor.

 

Sinabi ni Lopez na may kalalagyan ang mga OTS security screening officer na mapatutunayang nangunguna sa paglabag sa batas kabilang ang pagnanakaw ng mga gamit o pera ng pasahero.

About The Author