![]()
Maagang nagsagawa ng inspeksyon sa Batangas Port sina DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez at PPA General Manager Jay Santiago ngayong Lunes upang tiyakin ang kahandaan ng mga pantalan sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas 2025.
Tinatayang 2.2 milyong pasahero ang inaasahang dadaan sa mga pantalan sa buong bansa mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, mas mataas kumpara sa 1.9 milyon noong nakaraang taon.
Ayon kay GM Santiago, layon ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025 na matiyak ang ligtas, maayos, at maginhawang biyahe ng mga pasahero.
Naka-full deployment na ang mga tauhan, suspendido ang lahat ng leave, at pinalakas ang koordinasyon sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group para sa seguridad.
Pinaalalahanan din ng PPA ang publiko na dumating nang maaga sa pantalan, iwasan ang mga ipinagbabawal na gamit, at bumili lamang ng tiket sa mga lehitimong outlet upang maiwasan ang panloloko.
