dzme1530.ph

DOTr at MMDA, aalisin ang mga sagabal sa kahabaan ng MRT-3 Taft

Loading

Aalisin ang mga vendor at iba pang mga sagabal sa kahabaan ng walkways malapit sa MRT-3.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking organisado at mabilis ang daloy ng mga pasahero at pedestrian.

Sinabi ni Transportation Sec. Vince Dizon na ang cleanup ay sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inihayag ni Dizon na nauunawaan at naaawa sila sa mga naghahanapbuhay, subalit iginiit niyang hindi sa bangketa ang nararapat na lugar para sa kanila, dahil ito ay nagpapasikip sa mga pasahero at pedestrian.

Binatikos din ng kalihim ang Metro Point Mall sa paniningil ng renta sa mga vendor sa MRT-3 southbound exit, sa pagsasabing ang imprastraktura ay pag-aari ng gobyerno.

About The Author