dzme1530.ph

DOT, target maging Muslim-friendly destination ang Pilipinas

Sinimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapalakas sa kanilang mga hakbang at programa para maging Muslim -friendly destination ang Pilipinas.

Ito ang iginiit ni DOT Undersecretary Myrna Paz Abubakar sa Laging Handa briefing, upang makahikayat pa ng mas maraming turista mula sa Muslim countries.

Ayon kay Abubakar, naglabas na ang DOT ng operation guidelines para maabot ang target na pataasin ang tourist arrivals na magmumula sa mga bansang Malaysia, Indonesia, at Brunei Darussalam at mas makilala ang Muslim-friendly accommodation establishments sa iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang na ang mga Halal culinary at Halal certified restaurants.

Dagdag pa ng opisyal, hinahanda na rin nila ang Manila, Cebu at Clark para maging Muslim-friendly partikular na ang airports at malalaking malls. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author