Sinita ni Sen. Loren Legarda ang Department of Tourism sa anya’y nakakahiyang advertisement ng ahensya na ‘Love the Philippines, Banaue Rice Terraces Benguet’.
Sa pagdinig sa panukalang 2025 budget ng DOT, sinabi ni Legarda na dapat maging mahigpit sa mga ganitong materyales lalo’t nagdudulot ito ng misinformation.
Ipinaalala ni Legarda na malinaw naman na alam ng publiko na ang Banaue Rice Terraces ay wala sa Benguet at sa halip ay nasa Ifugao.
Ipinaliwanag ni Tourism Sec. Christina Frasco na nagmula ang naturang ad sa DOT Branding Unit at agad na nila itong pinatake down kaya’t naiwasan ding kumalat nang husto.
Tinawag naman itong stupidity o katangahan ni Legarda kasabay ng pagtukoy sa nagkamaling ahensya na IPG Media Brand at pinagsabihang doblehin ang pag-iingat dahil labis itong nakakahiya.
Sinabi ni Legarda na bagama’t lahat naman ay nagkakamali subalit dapat mas maging maingat sa mga ganitong bagay dahil nakakahiya ito sa buong mundo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News