dzme1530.ph

DOT: Mga Tour operators, malaki ang naging ambag sa turismo ng Bansa

Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na malaki ang kontribusyon ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) na napagbibigay ng sigla sa sektor ng turismo sa bansa.

Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, nararapat lamang na mabigyan ng supporta ang PHILTOA mula sa National Governement.

Dagdag pa ni Frasco na patuloy ang kanilang pagbibigay ng mga programa sa Tourism Operators upang mas malinang pa ang kanilang kaalaman sa sektor ng turismo at makahikayat pa ng maraming mamumuhunan sa bansa.

Giit ng kalihim na makakaasa ang PHILTOA sa pagsupporta ng Tourism Department sa anumang kakailangan nilang tulong na mag papayabong sa kanilang mga negosyo.

About The Author