dzme1530.ph

DOT, may panawagan sa mga film makers

Hinimok ng Department of Tourism ang mga international movie producers at filmmakers na ikwento ang Pilipinas sa buong mundo.

Ito ang panawagan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa mga film executives at creative industry stakeholders sa ginanap na pulong sa Los Angeles, California na naglalayong isulong ang film tourism sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Frasco ang kagustuhan ng gobyerno na ma-promote ang bansa sa pamamagitan ng pelikula kung kaya’t hinikayat niya ang mga international movie producer at filmmakers na ikunsidera ang Pilipinas bilang kanilang susunod na film location. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author