dzme1530.ph

DOT humihirit ng ₱3.1B budget para sa 2026

Loading

Umaapela ang Department of Tourism (DOT) ng ₱3.1-B budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ₱500-M sa panukalang budget ang ilalaan para sa branding at promosyon ng Pilipinas bilang isang global tourist destination.

Binigyang-diin ni Frasco na underfunded ang DOT, lalo na kung ikukumpara sa multi-million dollar marketing efforts ng mga karatig-bansa sa rehiyon.

Ipinunto rin ng kalihim na tinapyasan ng Kongreso ang promotions budget ng ahensya, mula ₱1.2-B noong 2023, naging ₱200-M na lang noong 2024, at ngayon ay kinalahati pa sa ₱100-M sa 2025 budget proposal.

About The Author