dzme1530.ph

DOT, dapat tiyakin na walang financial damage sa gobyerno ang palpak na tourism video promotion

Pinatitiyak ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Department of Tourism (DOT) na walang naidulot na financial damage sa pamahalaan ang kinuha nitong palpak na ad agency para sa bagong tourism slogan.

Sinabi ni Pimentel na tama lamang na iterminate o ibasura na ng DOT ang kontrata nito sa DDB Philippines, ang ad agency na gumamit ng video mula sa stock footage o video na hindi kuha sa Pilipinas

Ayon kay Sen. Pimentel, nawala na ang tiwala sa DDB Philippines kaya’t hindi na nararapat na ipagpatuloy pa ang serbisyo nito sa DOT.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi na rin dapat magbayad ang DOT ng anumang professional fees para sa unprofessional na trabaho ng ad agency.

Bukod dito, dapat nga ay isauli pa ang anumang naibayad na sa DDB Philippines kasabay ng hikayat sa DOT na magkaroon ng mas mahigpit na screening sa mga contractor o service provider. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author