Tinutugunan ng Department of Science and Technology (DOST) ang kakulangan sa mga kolehiyo na kumukuha ng Science and Technology courses sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Pre-SONA Special briefing, inihayag ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na karamihan ng kabataan ay mas pinipili ang ibang larangan tulad ng nursing dahil ninanais nila ang mas malaking kita.
Kaugnay dito, pinaplano ng DOST na dagdagan pa ang scholars ng gobyerno sa Science and Engineering.
Isinusulong din ang commercialization upang mahikayat ang mga investor at kapitalista na maglagak ng pondo sa research and development.
Magkatuwang din ang DOST at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa pagtatatag ng knowledge, innovation, science, and technology parks.
Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga local at international companies na mamuhunan sa mga probinsya para hindi lamang sa National Capital Region (NCR) naka-sentro ang maraming trabaho.