Pinag-aaralan na ngayon ng mga opisyal ang alternatibong sasakyang pandagat na joint project ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Energy (DOE), at Maritime Industry Authority (MARINA).
Ito ay ang Sessy o Safe, Efficient and Sustainable Solar-Assisted Plug-In Electric boat.
Ayon sa DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development, maaari itong gamitan ng rechargeable lithium-ion battery.
Nabatid na maaaring sumakay ang hanggang isang dosenang pasahero at kaya rin nitong tumakbo hanggang 20 kilometro.